Archive for November, 2006
"So long.."
November 22, 2006
Hey’ looks like I’ve been in a hiatus here in the blog world. Well, I have much to said.. but I tried to busy myself this start of the semester, I have lots of things in my mind.. I think I’m overloaded.
I tried to see the days as another day, another hope and another start. But, I’m very pessimistic person, nauunahan ako ng mga negative aura. I think I’m not ready to start it all over again, I need time..Well it will takes so long.. Is it true that time heals the pain? well I guess somehow.. but it will leave you a scar..
I’m not tired, well the brains works 24 hours a day. No rest. Even you are sleeping, half of your body is still working. Maybe, I reach the point of ‘TAMA NA, HANGGANG DIYAN KA NA LANG’. But still, I want to fight yun nga lang para kasing wala na rin namang patutunguhan. Kaya lang baka pwede pa.. pero baka kasi wala na.
Well enought for this emo post, mukang napapadalas ata ang pagpopost ko ng emoness.. baka mamiss nyo na yung dating walongbote hahaha.. Tomorrow will be my dity in JRRMC in the SICU ward.. well goodluck! hehe..

Currently listening: bitaw-spongecola
Currently feeling: tired
Filed Under: Uncategorized |
| Leave A Comment?
"Take 1..take 2.. more pictures!"
November 14, 2006

Chosen Song: Inuman Na ng Parokya ni Edgar

Chosen Song: Magpakailanman by Rocksteddy

Chosen Song: Beer by Itchyworm

Chosen Song: Narda by Kamikazee

Chosen Song: Heaven Knows by Rickprice

Chosen Song: Superhero by Rocksteddy
Ok, I really don’t have enough time to make a new entry, so I just put our pictures, just to see those smiles to brighten up my day
I hope I can get some more smiles.. from you..
Currently feeling: working
Filed Under: Uncategorized |
| Leave A Comment?
"wala na…"
November 8, 2006
Nagsimula na ang klase mula pa nung Lunes. Katulad ng parating eksena, sa eskwelahan namin makikita ang mga estudyanteng naghahanapan ng classroom, kaklase o professor. Pereho pa rin ang classmate ko ngayong sem, mabuti yun upang di na kami mahirapan pang mag-adjust sa bago na namang kaklase. Yun nga lang ay nadagdagan ang klase namin kaya may new classmates na naman. May nawala rin dahil sa nahuli sila ng pagpapaenroll.
Unang araw ng klase, ay maririnig ang lakas ng mga boses namin sa bawat sulok ng kwarto. Nagkwekwentuhan sa mga naganap nung aming sembreak. Tinanong ako ng aking kaklase. “Fur, musta ang bakasyon?” sumagot ako “ito, ayos naman. Ganun pa rin.” Mukang hindi nakuntento sa aking sagot ang aking kaklase. “panung ganun pa rin?” ngumiti na lamang ako at sumagot “wala ayos lang.” mahina lamang iyon. Hinayaan kong magkwento sila sa akin ng nanyari sa kanila nung bakasyon. Hindi mapagkakaila na masaya ang kanilang bakasyon, nagigilid sa kanilang mga labi ang ngiti, at ang kinang sa kanilang mga mata.
Totoo, walang nagbago sakin. Wala akong maikwento katulad ng kanilang masayang bakasyon. Ang kanilang makukulay na pagibig at mga nabuong pagiibigan. Wala akong kwento katulad nila. Masaya ako at naging ‘happy’ ang kanilang bakasyon.
Pauwi na ako sa bahay, katulad pa rin ng dati sumasakay ako ng QUIAPO at bumababa sa Isetan patungong LRT Recto at bumababa sa LRT Cubao at muling sasakay ng FX sa may terminal sa farmers patungong San Mateo Rizal. Mahaba haba ding byahe yun, at habang nakasakay ako sa sasakyan. Napagnilaynilayan kung muli ang mga nanyari sa eskwelahan. Nangiti ako ngunit di ko mapagkakaila ang lungkot na nadarama ko. Gusto kong umiyak, ngunit hindi maaari. Maraming makakakita, pinipigilan ko na lamang ang aking sarili hanggat sa makarating ako sa bahay. Yakapin ang aking unan at dun ibuhos lahat ng natatagong lungkot na nadarama ko. Wala silang alam sa mga nangyari sa akin nung bakasyon. Hindi rin halata sa akin na may dinadala akong lungkot sa aking puso. Kilala kasi nila ako bilang isang masayahin at komedi ng klase. Wala silang alam, hindi nila alam.
Habang aking napagtatanto ang mga pangyayari naisip ko na lamang na hindi ko alam kung anong nanyari, bigla ko na lamang naramdaman na wala na siya. Iniisip ko bawat sandali kung anong dahilan ng kanyang paglisan. At paulit-ulit tinatanong sa sarili anong nagawang kamalian. Wala akong maalala, ang tanging natatandaan ko ay minahal ko lamang siya.
Iniisip ko ito. Kung hindi niya ako minahal sana ay hindi niya na lamang pinaramdam sa akin na may pagasa sa aming dalawa. Sana ay tuluyan na lamang siyang nawala ng minsan niya na akong iniwan. Pinagbigyan ko siya sa pangalawang pagkakataon, umaasang mabibigyan ng bagong simula ang lahat sa amin. Ngunit habang iniisip ko ito, nangiti lamang ako sa aking sarili. Bakit ako umaasa sa isang bagay na malabong mangyari? Bakit ako nasasaktan sa tuwing wala siya? at maiisip ko na lamang ‘Oo nga pala hindi naman pala kame’. Wala akong karapatan na magalit sa kanya, dahil hindi niya ako binigyan ng karapatan na pangawakan ang buhay niya. Ano ngayon kung hindi kita itxt? Ano ngayon kung iwan kita? Hindi naman tayo.
Oo nga hindi tayo, pero sana binigyan mo lamang sana ako ng kahihiyan. Sana sinabi muna sa akin na wala tayong pagasa at hindi mo na pinadama na mahal mo rin ako. Sa pagaakalang maaaring magkaroon ng ikaw at ako. Sana nagpaalam ka man lang na ako’y iiwan muna, na wala ka na. Nangangapa ako parati sayo, parati kong hinuhulaan ang susunod mong gagawin. At bigla ko na lamang naramdaman na magisa na lamang ako. Pinilit kong ibalik ka, hinawakan ko ng mahigpit ang iyong mga kamay at niyakap kita. Ngunit kumalas ka sa pagkakayakap ko sayo, at binitiwan mong ako. Mahirap para sa akin yun, mahirap sabihin ang aking nararamdaman. Alam kong di ako nagsasalita, hindi ko rin gaanong pinaparamdam, ngunit alam kong alam mo.
Sa pangalawang beses mong paglisan, baunin mo sana ang mga masasaya nating alaala. Maalala mo sanang di kita iniwan sa ano mang pagsubok na dumaan sa atin. Parati akong nandito para sayo. Ang mga awitin natin sa isat-isa na patuloy pa ring itinutugtog sa ating mga alaala. Oo na mahal na ngang talaga kita, hindi ko na yun mapagkakaila. Ayokong bumitiw, pero kung dun ka masaya. Isusuko ko ang sariling kasayahan ko.
Currently listening: pwede ba-soapdish
Currently feeling: numb
Filed Under: Uncategorized |
| Leave A Comment?
« Previous entriesNext Page »Next Page »




















