Archive for October, 2008
"have a safe spooky halloween!"
October 26, 2008
This might be my last post for this month. I’ll be back mid of November. I promise to catch up nextime.
I’m sorry if I don’t have special edition for Halloween’s like I used to do in walongbote, because I have so much thing to do in the outside world of blogosphere. See you soon!
Filed Under: blog thing |
| Leave A Comment?
"Ano ang mas matimbang?"
October 19, 2008
Ano ba ang batas sa tropa?. Batas na kadalasang nakakalimutan kapag umiibig. O sadyang walang batas na napagkasunduan simula pa nung una. Minsan naiisip ko ano ba ang mas matimbang sa isang tao ang kanyang mga kaibigan ba na nadyan sa panahon na malungkot ka o ang pag-ibig na kumukompleto sa iyong buhay. Sa ibang tao, maaaring importante ang pagkakaibigan ngunit para sa iba mas matimbang ang pagibig.
Bagamat hindi ko sila masisisi, kanya kanya naman tayo ng palapalagay sa buhay. Ngunit isa lamang ang gusto kong iparating. “Sana hindi ka marunong kumalimot sa mga araw na ating pinagsaluhan”.
Nakakalungkot isipin na maraming magbabago sa samahan ng tropa. Ang dating grupo ng mga single na unti-unti ng nagkakaroon ng sarili sarili nilang syota ay nakakalimot ng tumawag o di kaya balitaan ka sa mga pangyayari sa buhay nila. Nakakalungkot ding isipin na sa panahon na sila ay malungkot, dun lamang sila nakakaalaala na may kaibigan sila.
Totoo masaya ako para sa kanila, masaya ako na minamahal sila ng kanilang mga nobyo at nobya. Ang isang bagay lang na ikinalulungkot ko na maaaring hanggang sa blog na lamang na ito maipaparating ay bakit kailangan makalimot.
Noong isang taon nagkita kami ng aking bestfriend, siguro 2 sa isang taon na lamang kami magkita ng kaibigang kong iyon. Habang naguusap kami sa isang fastfood, laki kong gulat ng bigla na lang sumulpot ang bf nya sa kinakainan naming dalawa. Ang nakakainis doon, alam naman ng bf nya na ngayon lang kami nagkita ay halos kunin nya ang atensyon ng bestfriend ko. Panay ang halik nya dito sa leeg at halos kausapin nya boong oras. Nakatingin na lamang ako sa labas ng salamin ng foodcourt. Iniisip ko lang na lamang na masaya talaga ang noon. Hindi ko din naman masisisi ang aking bestfriend na bigyan nya ng atensyon ang kanyang bf kesa sakin.
Isa pang pagkakataon ay ng napagkasunduan naming magkita ng mga tropa ko sa feu. Ilang taon na din kasi kami di nagkikita. Alas tres ng hapon nun sa starbucks sa gateway ng magkita kami. Ng mag-alas singko ay biglang nagtxt ang isa sa mga bf ng katropa ko ang sabi sa txt. “Hanggang anong oras ka pa jan sa mga tropa mo? Pumunta ka na dito sa akin.ngayon na!”. Nagmamadaling nagpaalam sa amin ang katropa naming iyon. Sabi ko ay “pwede ba hanggang 6pm?” ang sagot nya “magagalit sakin yun.. lam muna..” Isang bagay na ikinalungkot naming lahat.
Ikatlong pagkakataon ay ang longest buddy ko na walang bf since birth. Ng magkaroon ng bf ay hindi na ako kinukulit sa phone na magbike kasama nya, o kaya lumabas at gumala. Ang usapang dapat magkikita kami papuntang ecopark kasama ng ibang friends sa HS ay naunsyami. Dahil mas binigyan nya ng priority ang kanyang bf kesa sa amin.
Hindi ko sila masisisi, ngunit para sa akin mahalaga na mayroon kang panahon para sa mga kaibigan mo. Ako rin naman nagkaroon ng bf, ngunit inunahan ko na sa kanyang sabihin na “importante sa akin ang mga kaibigan ko.. at hindi ko sila iiwan.” At sa lahat ng mga nanliligaw sa akin lagi ko yang sinasabi. Para sa akin, ang matutong ibalanse ang oras sa kaibigan at sa syota ang pinaka mahalagang bagay.
Minsan kasi maaaring iwanan ka ng iyong pagibig ngunit hindi ang mga kaibigan mong nahanjan para sayo.




















