Archive for May, 2009
"Early bird. catches what?"
May 30, 2009
Early bird catches worm. Paano yan? E di ako kumakain ng bulati. Over my dead body. Charuz. Hindi uso sa bokabularyo ng aking beloved mother ang katagang “better late than never”. Kung aantok antok ka pa at gustong mag-unat ng katawan sa kama, wag mo ng balakin pa kung ayaw mong mabuhusan ng nagyeyelong tubig at masabunan ng bumabahang sermon.
Rule #1: Kapag ginising ka niya ng umaga, siguraduhin mo lang na nasa kusina ka na in 5 minutes kung ayaw mo makatikim.
Rule #2: Laki lakihan mo ang subo at bilisan ang pagkain. Care niya kung mabulunan ka. Kaya nga advice niya parati sakin “Sabayan mo ng tubig. Para diretcho na sa bituka mo”.
Rule #3: I-tae mo na lahat ng kinain mo para di ka natatae sa daan. Everyday routine mo na yan.
Rule#4: Bilisan mo ang pagligo jan at huwag ka ng matakot sa tubig. Instead, TAKUTIN MO ANG TUBIG. Huwag ka ng kumanta-kanta pa, dahil di ka naman sisikat ng nakaharap lang sa salamin.
Rule #5: Bili-bilisan mo ang pagsusuot ng damit. At lumayas ka na para di ka ma-traffic.
Kumplikado kung tutuusin. Pero isang paraan ng pagpapalaki na itinuro sakin simula pa lang ng nag-aral ako. Naalala ko pa nung grade 1 ako. Kahit na gaano pa kalakas ang ulan, ako pa rin ang unang estudyante ng teacher ko. Sa sobrang insecure niya sakin dahil paminsan mas una pa akong pumapasok sa kanya, pinagalitan niya ako. Ikinagalit ito ng aking ina, at kinausap ang aking malditang guro—simula noon “care niya” kung nauna pa ako sa security guard ng campus namin.
Uso sa mga Pilipino ang salitang “Filipino Time”. Kapag kinakailangan ka na dumating ng 8 ng umaga ay umaalis ka ng bahay ng 8 din ng umaga. Naiintindihan mo ba ang salitang 8:00? O sadyang tanga ka lang talaga. Dahil sa pagkakaintindi ko lang naman ah, correct me if I’m wrong– kahit baliktarin mo ang 8 ay 8 pa din.
I have complete attendance. Uma-absent lang ako kung inaapoy ako ng lagnat o kaya may emergency na kailangang puntahan. Dysmenorrhea, sipon, ubo, o masakit ang kasukasuhan is not an excused. Wala akong late sa card ko in my entire life. Hindi dahil sa super responsible akong tao, dahil ito sa aking maagap na ina. Kung may awards nga lang sa early bird. Hinakot na naming mag-ina.
Ito ang dahilan kung bakit maaga ako parati sa kahit anu pa mang events. Kumakabog parati ang aking dibdib, ma-late lang ako ng kahit 5 minutes. Pero ang nakakadismaya ay ang makitang sa pagsusumikap mong dumating ng maaga sa pupuntahan mo, ay ang makita mong wala pa rin ang mga taong inaasahan mong nasa lugar na pagkikitaan ninyo. Parating ganyan ang nangyayari sakin. Bibihira ang tumutupad sa tamang oras. Dahilan kung bakit lagi kong sinasabi mula noon kay mother na—“ok lang na ma late ako. Late din naman sila. Maghihintay lang ako ng matagal.” But my mom sticks with what she believes. “Di mo dapat sila ginagaya. Mabuti na yung ikaw ang naghihintay. Kesa yung ikaw yung hinihintay.”
Sa darating na pasukan sa lunes. Magsisimula na namang magkaroon ng matitinding traffic sa ka-maynilaan at sa mga probinsya. Sa mga papasok sa trabaho, umalis na ng maaga para di na makisabay pa sa mga estudyante. Sa mga estudyante naman—make the first impression. Pumasok ng maaga. Huwag magpa-late at magnakaw ng eksena. Di ka kagandahan para lingunin. Magkaka-stiff neck lang ang mga kaklase mo sa pagka-dismaya. Sa lunes, hindi na ako papasok bilang isang estudyante. Papasok na ako bilang isang professional nurse. Sana di ako ma-late.
PBA095qor3o5
Filed Under: education, fresh graduates, humor, literary works |
Tags: back to schooljoin contestjune opening of classes in the philippines | 68 Comments
"Recto I shall return!"
May 21, 2009
5 taon na akong nagkakalat ng kagandahan sa tinaguriang “The place of instant diploma”. 5 taon ko naring sinisinghot ang sariwang hangin na nagmumula sa tambutcho na nagdudulot ng makakapal na usok byaheng divisoria. 1st year college ako ng tumutuntong ako sa lupain ni Claro M. Recto, kilala ninyo ba siya? Ako kasi hinde eh. Una akong nagaral sa green and gold na jogging pants at jologz na golden orange na PE Shirt. Nagimprove nga ngayon ang kulay ng PE uniform nila eh, kulay lumot naman ngayon. Tama sa FEU nga ako napadpad, di kasi ako tinaggap ni Mang tomas at ni machong malaki ang balls “Oblation”. Anu pangalan nung rebultong yun?.
Sa 2 taon kong pamamalagi sa FEU, sa recto ako nahulugan ng ID. Dahilan kung bakit ayaw akong papasukin ni manong sikyo sa gate, kasi di daw ako estudyante dun at baka daw isa akong suicide bomber. Sa recto ako unanag natutong uminom ng beer. Wala kasing lactum milk sa menu nila, kaya tumawag pa ako kay inay para sabihin lang na “inay! beer lang meron sila dito sa platinum eh, walang mother’s milk. sana maging panatag ka!”.Dun ko natikman ang mapaklang lasa ng alak, at namangha dahil di man lang sumuka ang aking sikmura. Dahil sa pangyayaring ito. Dun ko napagtantong “May dugo pa la akong TOMADOR”. Pero I’m proud to say na hindi ako ni minsan nanigarilyo, ni isubo man lang sa pharynx di ko sinubukan. Makikita mo rin akong once in a blue moon noon sa (jaca, Magic at glorietta) na madalas ma-raid ng XXX. Buti na lang nakatalon na kami sa bintana bago pa kami makalaboso. Joke lang. Ganunpaman, kahit na natuto na akong uminom ng sorbesa bukod sa softdrinks ay hindi ko napabayaan ang responsibilidad ko bilang isang estudyante. Isa pa rin ako sa mga estudyanteng may mataas na marka at nabibilang sa upper class na section. Hindi rin ako nag-cucutting classes o kaya umuuwi ng alas-dose ng gabi. takot ko lang masaraduhan ako ng LRT train.
Sa recto din ako unang nadulas sa pampublikong daanan at namaga ang puwet ng bonggang bongga. Sa recto din ako unang hinatid ng mga manliligaw na halos gusto ko ng mag-anyong bampira upang lapain ang kanilang puso, atay at pantog–tigilan lang nila ako. Recto din ang daan kung saan nakikipag walkaton ako sa crush ko, masabayan ko lang ang lakad niya. Dito din sa daang ito una ako umiyak kasi napuwing ako. Sa recto din unang napansin ang kagandahan ko ng sitsitan ako ng isang manager.--Manager ng mga taga gawa ng instant diploma at licensya. Muntik ko na ngang patusin eh.
Pagkalipas ng dalawang taon, ako ay lumipat ng ibang university. Sa University of Perpetual Manila. Sa recto pa din ako dumadaan. Dito ako nagkakalat ng virus pagtapos kong mag-duty sa mga hospital. Isang white lady na nakasuot ng nurse uniform at nang-hoholdap ng mga gwapong bakla sa may tapat ng isetan (callboy). Kilala din ang recto sa mga 2nd hand book yung tipong inaanay na pero dahil sa wala talagang pera, GO na!. Noong grumaduate ako, ilang buwan ko din hindi nasilayan ang recto. Namiss ko ang makakapal na usok, ang mga taong may anghit na nakakasalamuha ko na halos naging immune na din ang aking mga buhok sa ilong. Pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nasilayan ko na namang muli ang Recto. Wala rin namang nagbago. Nagreview ako sa Pentagon na nakalocate sa San Sebastian College ang review session.
Ngayon ay magkikita na naman kami ng Recto at makakasama ng dalawang buwan. (alamin kung bakit). Makikita na naman niyang tumatagaktak ang pawis ko. Makikita niya na naman akong nag-da day dreaming habang naglalakad.
Marami na ang panahon na nagdaan. Marami na rin tayong pinagsamahan. Ikaw na siguro ang kalyeng tumanggap sa pagkatao ko. Ikaw ang naging saksi sa bawat masasaya at masalimuot na eksena ng buhay ko. Kaya sa ating 5 taon na anibersaryo. RECTO I SHALL RETURN!
Filed Under: blog thing, humor, literary works, nurse, road trip |
Tags: feuperpetual help college manilarecto | 58 Comments
"Heart for SALE!"
May 15, 2009
Manang! Pagbilan nga po ako?
Oh eh anu yun?
Pagbilan mo po ako ng puso?
ha?! ano kamo? puso ng ano?
Puso po ng tao.
Ay! lintek kang bata ka! Ano bang pinagsasabi mo.
Kung nabibili lang siguro ang puso, siguro binili mo na ang puso niya. Hindi mo na hihintayin pa na mag-sale para mas makamura. Hindi mo kasing hahayaang mapunta pa sa kamay ng iba ang pusong matagal mo ng pinapangarap na maangkin. Kaya lang sa tunay na buhay, puso ang isa sa mga bagay na hindi natin nabibili ng ganung kadali. Kahit nga maghanap ka pa ng heart donor, napakahirap ng makahanap.
Kung nabibili lang siguro ng ganung kadali ang puso ng isang tao, yung tipong nasa suking tindahan lang. Ikaw na siguro ang pinaka unang customer ni manang. Ikaw na rin siguro ang pinaka masayang taong nabubuhay sa mundo. Kaya lang ang katotohanan ay di lahat ng bagay sa mundo ay nabibili. Ang puso ng tao ay hindi “FOR SALE”. Kailangan mo itong paghirapan, pagsumikapan at higit sa lahat kailangan mong maramdamang masaktan.
Malas mo lang kung matagal na palang may nag mamay-ari nito bago mo pa ito natipuhan. Malas mo kung matagal niya na itong naibenta at nalimutan niya lamang lagyan ng tag na -SOLD OUT. Kahit pa anong pilit mong bilhin ito, ngunit ang katotohanang meron na nagmamay-ari ang siyang dapat mong tanggapin.
Minsan kailangan mong palayain ang isang bagay na mahalaga sayo. Naging sayo man ito o hindi. Minsan kasi tinitignan mo lang yung gusto mong makita, pinakikinggan mo lang ang gusto mong marinig. Subukan mo ding intindihin yung hindi mo maintindihan. Baka sakali lang. Malaman mo yung dapat mong maramdaman. Wala kang makukuhang bago, kung di ka bibitaw sa luma.
Siguro hindi ngayon. Siguro hindi bukas. Malay mo sa susunod na araw. May makikita ka ding –HEART FOR SALE.
[offtopic]
Busy na me. I will tell you what made me busy. So, I will be off again in blogging. But you can always catch me on Twitter, Plurk, facebook, and multiply. Oh damn! I uploaded my pictorial in my TUMBLR again. Take a look. ![]()
Just a quick update:
Link-Ex can be found at the upper corner of this blog. All navigations are updated including the contact , disclaimer, and about me. I will still think if I’m going to changed the theme.
Filed Under: Blogging, literary works |
Tags: facebookheartliterary worksmultiplyplurktwitter | Leave A Comment?
« Previous entriesNext Page »Next Page »





















Manang! Pagbilan nga po ako?