Archive for literary works

"Papparappabpab-Luv ko toh."
February 14, 2010

Happy Valentine’s day! to everyone. Saan ang date? ai! wala ka pa lang ka-date. *Churi churi* naman, I don’t mean to hurt yar feelings. hehe. Pero di nga bakit wala ka ka-date? hehe. tsk. tsk. masamang pangitain yan. Ilang taon na ang lumilipas, wala ka pa ding ka valentino? panu na ang pangaral ng simbahang katoliko “HUMAYO KA AT MAGPARAMI”. Ai, mali pala.. hindi pala nila ibig sabihin na humayo ka at magparami ng syota. Nemen!! wag ka magmukmok jan, kung wala kang ka-valentine’s day, e di wala! eh anu bang paki nila diba? eh kanya-kanyang trip yan. Isipin mo na lang, halloween ngayon. haha. Walang basagan ng trip. Magsuot tayo ng black shirt, magpantalon, tapos pagupit tayo ng hair na one sided. Yung mala-emo. Maglagay tayo ng makapal na eyeliner. Magpatugtog tayo ng My chemical romance-THE BLACK PARADE. Lagyan mo ng vicks yung mata mo, para instant luha. Kunwari affected ka sa kanta. char!.

Kung ayaw mo naman ng ganitong trip, at talagang kahit anung gawin mo ay ramdam mong Valentine’s day. Eh di, go out in a mall–TIGNAN ko lang kung hindi ka lalo manlumo! maiinggit ka sa mga bf/gf na naglalakad na magkaholding-hands, na may dalang bouquet of roses. Oh diba sabi ko naman sayo? sa bahay ka na lang. Sa totoo lang, walang dahilan para malungkot ka. Kasi hindi ka naman nagiisa, madami din naman single jan na katulad mo. Ang totoo nyan, ayon sa survey na gawa-gawa ko, 99% ng mga Filipino ay walang pakialam sa valentine’s day. Oo, umikot ka sa blogosperyo at mapapansin mo yung post nila.. kung hindi xa nagpapakasenti, nagpopost ng mga love life tips, quotes, poems at short story. Pansinin mo, bilang lang sa kamay ang may magkwenkwento na- I WILL BE ON A DATE with my BF in a 5 star RESTAURANT. paminsan, guni-guni lang din nila yun. hehe. di ko naman nilalahat. Oh, kaya wag ka jan madismaya. Hindi pa tapos ang ikot ng mundo, may next valentines pa. So cheer up. I’m one of you guys!. :)

PS: Please visit my new blog http://jenifferonline.info HAPPY VALENTINES DAY AND KUNG HEI FAT CHOI.

Filed Under: literary works, pagibig, valentines day | Tags: | 27 Comments  



"Ang paglalakbay ni Juan dela Cruz"
September 3, 2009

Palakad lakad sa mahabang kalye ng kamaynilaan, bahala na kung saan mapadpad ang mga paang nanlilimahid ng putik at makakapal na kalyo na nagsilbi na ring panangga sa matatarik na daan. Walang kasiguraduhan kung saan patutungo at wala na din balak pang malaman. Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang makahanap ng masisilungan, maibsan ang pangangalam ng sikmura at matagpuan ang kapayapaan ng kalooban.


Photo credited: http://www.flickr.com/photos/robertalmario/

Sa isang sulok ng bayan, napadaan siya sa isang maliit na tindahan kung saan siya ay humingi ng kaunting tinapay at pantawid uhaw. Damang dama niya ang nanunuyong lalamunan at kumakalam na sikmura dala na rin ng buong araw niyang paglalakad. Sapat ng panawit gutom ang kaunting maibabahagi ng tinderang namamaypay at nakabantay sa harap ng kanyang tindahan. Ngunit katulad ng isang mala-pelikulang eksena. Siya ay pinagtabuyan nito na para bang isang malaking insekto at mabahong nagkakalat ng salot sa lipunang kinabibilangan nito. Banggit ng babae kasabay ng naglulumiyab nitong damdamin ang mga salitang nagiwan ng kurot sa kanyang kaluluwa “Hai naku! Lumayas ka nga dito at wala ako maibibigay sayo. Ang mahal mahal ng harina, ang taas-taas ng presyo ng gasolina, mahal ang bayad sa buwanang tubig at kuryente! Tapos ililimos ko lang sa isang pulubing tulad mo. Kung gusto mo kumain! Maybayad ka!”.

Umalis siya na dama ang sakit ng hindi lamang ng sikmura kundi pati ng buong kalooban. Ngunit wala ng mas sasakit pa sa pasan na hirap ng kanyang mga kababayan. Ang patuloy na paghirap, ang walang katapusang sakit na dulot ng mga matataas na opisyal na walang ginawa kung hindi ang magpayaman at busugin ang kanilang bulsa. Ang pagkawalang hustisya kung saan na ang mahirap ay hindi kailanman maririnig ng mga nakaupong nasa itaas. Ang sagradong paggawa ng masasama at walang awang pagpatay sa mga taong walang kasalanan. Ang pagkukubling balikat at pagpapatay malisya sa mga bagay na kinakailangan ng bigyan ng boses sa lipunan. Katulad ng isa sa mga isinulat ng ating bayaning si Jose Rizal sa kanyang akdang EL FILIBUSTERISMO: Kabanata 21- Mga Ayos-Maynila.

Nagpatuloy sa paglilibot si Camaroncocido. Tumawag ng kanyang pansin ang pagdating ng mga taong noon lamang niya nakita at naghudyatan ng mga kindat at ubo. Natitiyak niyang ang mga ito ay hindi tagaroon dahil sa mga ayos at kilos na hindi masasabing taga-Maynila. Ayaw nilang lumantad at nagtago sa dilim. “Mga tiktik kaya o magnanakaw? Ano sila sa akin? Sabay kibit balikat.

.. “Ang hudyat ay isang putok!” “Opo” “Makapangyarihan ang mga prayle kaysa Heneral. Siya ang aalis at maiiwan dito ang mga prayle. Kapag nagawa natin nang mabuti ang kanilang inuutos, tayo ay yayaman. Isang putok ang magiging hudyat.”

..”Aba! Aba! Doon ay ang Heneral at dito ay si padre Salvi. Kaawa-awang bayan. Ano naman ang kubuluhan niyan sakin?” Banggit ni Camaroncocido.

Maihahalintulad ang akda niyang ito sa dinaranas ng ating lipunan sa ngayon. Hindi parin tayo ganap na malaya sa mga prayle o ibang dayuhan. Tayo ay alipin pa rin ng sarili nating bayan. Kailan ka ba uunlad Juan dela Cruz. Kailan?

Filed Under: blog thing, economic issues, economy, government, literary works | Tags: | 43 Comments  



"Dear Fans."
August 27, 2009

Dear Fans,

Alam ko naman. Namimiss nyo na ako. Di kasi ako nag-popoke back. Pero di mo lang alam na mas higit kitang namimiss. Sobrang cheezy. Kumain ka na ba? Wala lang tinatanong ko lang. Masama?!!!. O eto beer! SHUMAT ka muna. Pagusapan na muna natin yung sa ating dalawa. Kelan mo ba aaminin sakin ang nararamdaman mo? 2 taon na ako nanliligaw sayo? anu na ba? di mo pa din ba ako sasagutin. Wag mo ako abutan ng fibisco aanhin ko ang dalawang bilog na biskwet na yan. Di naman yan nakakatanggal ng amatz. Wrong send. Akala mo sayo. Umasa ka na naman.

Kahapon pala galing akong SM, xempre di mo yun alam? kaya nga sinasabi ko sayo eh. Alam ko naman na wala kang pakialam. Pero siguro pag sinabi ko sayong hinalikan ako ni John Lloyd , tatalon ka jan sa kinauupuan mo. Kaso hinde totoo. Wag ka maginarte jan, Di ko xa sayo aagawin. Hindi siya ang mga tipo ko–may ganun?. Kung kamukha niya lang ba si Goo Jun Pyo e di lang halik inabot sakin nun. Swerte nya– Walongbote ba naman ang humalik sa kanya. San pa siya?!. Pero di ko talaga nakita si John Lloyd . Kasi sa SM cubao lang naman ako galing, di naman xa naparaan dun. Di bale text text ko siya pag nakita ko. Bruha ka! landi mo!. Basta lalake tumatayo ang buhok mo sa ilong. Malanding ito.

Aminin mo na kasi, na kahit wala akong update dito sa blog ko. Binibisita mo pa din ako. Una baka kasi may bago kang blog post, 2nd nakikichizmax ka sa buhay ko. Chizmosang ito!. 3rd isa ka sa mga fans ko. 4th ususera ka lang talaga, 5th pinatataas mo ang PR rank ko. 6th Stalker kita. 7th Elip ka naman sa way ng aking pagsusulat, 8th, 9th, 10th, 11th, 12th, 13th, 15th, 16th, 17th, 18th, ….O tanga. Binilang mo naman. Alam mo bang walang 14th. Kung di ka ba naman eengot engot eh. Hayup ka!. Napapagod na ako magtype. Talagang wala akong masabi.

Kwentuhan na lang pala kita tungkol sa buhay ko. Since chismosa ka naman talaga. Hindi ako mahilig mag kwento ng lovelife ko. Una showbiz akong tao. Kaya lumalayo ako sa mga paparazzi. Baka matulad kasi ako kay Princess Diana eh. Wala din naman kasi ako ikwekwentong lovelife. Conservative kasing talaga ako. Kaya hanggang ngayon wala pa din akong bf. O ayan, alam muna na wala akong bf? pero di ibig sabihin nun allowed ka ng landian ako. Asa ka!. Alam kong habulin ako, pero I don’t take advantage my charisma. Wag mo akong tanungin kung bakit wala akong sinasagot. Tropa ba kita?. Hindi naman pala eh. O xa, xa… ayan nagkwento din ako sa wakas about my buhay. Alam ko naman matagal mo ng request yun. Pero hanggang jan lang ang kaya kong ishare sa blogosperyo. Dahil private person ako. Haha.

O sige na. Bye bye na. Busy ako. Nakikita mo ba yung Contact na nasa taas ng Navigation?. Kung may nais kang sabihin sakin. Kapalan mo na ang mukha mo. Wag ka ng mahiya. I-message mo lang ako. At kung sagrado ang pagiging chismosa mo sa buhay ko lagi ako tambay sa Facebook at Twitter. Add mo ako kung meron ka. O xa, bye bye na talaga.

Yours truly,
Walongbote
pnn6faw742

Filed Under: blog thing, joke, literary works | | 35 Comments  



« Previous entriesNext Page »Next Page »