painuminmoko » literary works

Papparappabpab-Luv ko toh.
Happy Valentine’s day! to everyone. Saan ang date? ai! wala ka pa lang ka-date. *Churi churi* naman, I don’t mean to hurt yar feelings. hehe. Pero di nga bakit wala ka ka-date? hehe. tsk. tsk. masamang pangitain yan. Ilang taon na ang lumilipas, wala ka pa ding ka valentino? panu na ang pangaral ng simbahang katoliko “HUMAYO KA AT MAGPARAMI”. Ai, mali pala.. hindi pala nila ibig sabihin na humayo ka at magparami ng syota. Nemen!! wag ka magmukmok jan, kung wala kang ka-valentine’s day, e di wala! eh anu bang paki nila diba? eh kanya-kanyang trip yan. Isipin mo na lang, halloween ngayon. haha. Walang basagan ng trip. Magsuot tayo ng black shirt, magpantalon, tapos pagupit tayo ng hair na one sided. Yung mala-emo. Maglagay tayo ng makapal na eyeliner. Magpatugtog tayo ng My chemical romance-THE BLACK PARADE. Lagyan mo ng vicks yung mata mo, para instant luha. Kunwari affected ka sa kanta. char!.

Kung ayaw mo naman ng ganitong trip, at talagang kahit anung gawin mo ay ramdam mong Valentine’s day. Eh di, go out in a mall–TIGNAN ko lang kung hindi ka lalo manlumo! maiinggit ka sa mga bf/gf na naglalakad na magkaholding-hands, na may dalang bouquet of roses. Oh diba sabi ko naman sayo? sa bahay ka na lang. Sa totoo lang, walang dahilan para malungkot ka. Kasi hindi ka naman nagiisa, madami din naman single jan na katulad mo. Ang totoo nyan, ayon sa survey na gawa-gawa ko, 99% ng mga Filipino ay walang pakialam sa valentine’s day. Oo, umikot ka sa blogosperyo at mapapansin mo yung post nila.. kung hindi xa nagpapakasenti, nagpopost ng mga love life tips, quotes, poems at short story. Pansinin mo, bilang lang sa kamay ang may magkwenkwento na- I WILL BE ON A DATE with my BF in a 5 star RESTAURANT. paminsan, guni-guni lang din nila yun. hehe. di ko naman nilalahat. Oh, kaya wag ka jan madismaya. Hindi pa tapos ang ikot ng mundo, may next valentines pa. So cheer up. I’m one of you guys!.

PS: Please visit my new blog http://jenifferonline.info HAPPY VALENTINES DAY AND KUNG HEI FAT CHOI.

Ang paglalakbay ni Juan dela Cruz
Palakad lakad sa mahabang kalye ng kamaynilaan, bahala na kung saan mapadpad ang mga paang nanlilimahid ng putik at makakapal na kalyo na nagsilbi na ring panangga sa matatarik na daan. Walang kasiguraduhan kung saan patutungo at wala na din balak pang malaman. Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang makahanap ng masisilungan, maibsan ang pangangalam ng sikmura at matagpuan ang kapayapaan ng kalooban.

Photo credited: http://www.flickr.com/photos/robertalmario/

Sa isang sulok ng bayan, napadaan siya sa isang maliit na tindahan kung saan siya ay humingi ng kaunting tinapay at pantawid uhaw. Damang dama niya ang nanunuyong lalamunan at kumakalam na sikmura dala na rin ng  buong araw niyang paglalakad. Sapat ng panawit gutom ang kaunting maibabahagi ng tinderang namamaypay at nakabantay sa harap ng kanyang tindahan. Ngunit katulad ng isang mala-pelikulang eksena. Siya ay pinagtabuyan nito na para bang isang malaking insekto at mabahong nagkakalat ng salot sa lipunang kinabibilangan nito. Banggit ng babae kasabay ng naglulumiyab nitong damdamin ang mga salitang nagiwan ng kurot sa kanyang kaluluwa “Hai naku! Lumayas ka nga dito at wala ako maibibigay sayo. Ang mahal mahal ng harina, ang taas-taas ng presyo ng gasolina, mahal ang bayad sa buwanang tubig at kuryente! Tapos ililimos ko lang sa isang pulubing tulad mo. Kung gusto mo kumain! Maybayad ka!”.

Umalis siya na dama ang sakit ng hindi lamang ng sikmura kundi pati ng buong kalooban. Ngunit wala ng mas sasakit pa sa pasan na hirap ng kanyang mga kababayan. Ang patuloy na paghirap, ang walang katapusang sakit na dulot ng mga matataas na opisyal na walang ginawa kung hindi ang magpayaman at busugin ang kanilang bulsa. Ang pagkawalang hustisya kung saan na ang mahirap ay hindi kailanman maririnig ng mga nakaupong nasa itaas. Ang sagradong paggawa ng masasama at walang awang pagpatay sa mga taong walang kasalanan. Ang pagkukubling balikat at pagpapatay malisya sa mga bagay na kinakailangan ng bigyan ng boses sa lipunan. Katulad ng isa sa mga isinulat ng ating bayaning si Jose Rizal sa kanyang akdang EL FILIBUSTERISMO: Kabanata 21- Mga Ayos-Maynila.

Nagpatuloy sa paglilibot si Camaroncocido. Tumawag ng kanyang pansin ang pagdating ng mga taong noon lamang niya nakita at naghudyatan ng mga kindat at ubo. Natitiyak niyang ang mga ito ay hindi tagaroon dahil sa mga ayos at kilos na hindi masasabing taga-Maynila. Ayaw nilang lumantad at nagtago sa dilim. “Mga tiktik kaya o magnanakaw? Ano sila sa akin? Sabay kibit balikat.

.. “Ang hudyat ay isang putok!” “Opo” “Makapangyarihan ang mga prayle kaysa Heneral. Siya ang aalis at maiiwan dito ang mga prayle. Kapag nagawa natin nang mabuti ang kanilang inuutos, tayo ay yayaman. Isang putok ang magiging hudyat.”

..”Aba! Aba! Doon ay ang Heneral at dito ay si padre Salvi. Kaawa-awang bayan. Ano naman ang kubuluhan niyan sakin?” Banggit ni Camaroncocido.

Maihahalintulad ang akda niyang ito sa dinaranas ng ating lipunan sa ngayon. Hindi parin tayo ganap na malaya sa mga prayle o ibang dayuhan. Tayo ay alipin pa rin ng sarili nating bayan. Kailan ka ba uunlad Juan dela Cruz. Kailan?

Dear Fans.
Dear Fans,

Alam ko naman. Namimiss nyo na ako. Di kasi ako nag-popoke back. Pero di mo lang alam na mas higit kitang namimiss. Sobrang cheezy. Kumain ka na ba? Wala lang tinatanong ko lang. Masama?!!!. O eto beer! SHUMAT ka muna. Pagusapan na muna natin yung sa ating dalawa. Kelan mo ba aaminin sakin ang nararamdaman mo? 2 taon na ako nanliligaw sayo? anu na ba? di mo pa din ba ako sasagutin. Wag mo ako abutan ng fibisco aanhin ko ang dalawang bilog na biskwet na yan. Di naman yan nakakatanggal ng amatz. Wrong send. Akala mo sayo.  Umasa ka na naman.

Kahapon pala galing akong SM, xempre di mo yun alam? kaya nga sinasabi ko sayo eh. Alam ko naman na wala kang pakialam. Pero siguro pag sinabi ko sayong hinalikan ako ni John Lloyd , tatalon ka jan sa kinauupuan mo. Kaso hinde totoo. Wag ka maginarte jan, Di ko xa sayo aagawin. Hindi siya ang mga tipo ko–may ganun?. Kung kamukha niya lang ba si Goo Jun Pyo e di lang halik inabot sakin nun. Swerte nya– Walongbote ba naman ang humalik sa kanya. San pa siya?!. Pero di ko talaga nakita si John Lloyd . Kasi sa SM cubao lang naman ako galing, di naman xa naparaan dun. Di bale text text ko siya pag nakita ko. Bruha ka! landi mo!. Basta lalake tumatayo ang buhok mo sa ilong. Malanding ito.

Aminin mo na kasi, na kahit wala akong update dito sa blog ko. Binibisita mo pa din ako. Una baka kasi may bago kang blog post, 2nd nakikichizmax ka sa buhay ko. Chizmosang ito!. 3rd isa ka sa mga fans ko. 4th ususera ka lang talaga, 5th pinatataas mo ang PR rank ko. 6th Stalker kita. 7th Elip ka naman sa way ng aking pagsusulat, 8th, 9th, 10th, 11th, 12th, 13th, 15th, 16th, 17th, 18th, ….O tanga. Binilang mo naman. Alam mo bang walang 14th. Kung di ka ba naman eengot engot eh. Hayup ka!. Napapagod na ako magtype. Talagang wala akong masabi.

Kwentuhan na lang pala kita tungkol sa buhay ko. Since chismosa ka naman talaga. Hindi ako mahilig mag kwento ng lovelife ko. Una showbiz akong tao. Kaya lumalayo ako sa mga paparazzi. Baka matulad kasi ako kay Princess Diana eh. Wala din naman kasi ako ikwekwentong lovelife. Conservative kasing talaga ako. Kaya hanggang ngayon wala pa din akong bf. O ayan, alam muna na wala akong bf? pero di ibig sabihin nun allowed ka ng landian ako. Asa ka!. Alam kong habulin ako, pero I don’t take advantage my charisma. Wag mo akong tanungin kung bakit wala akong sinasagot. Tropa ba kita?. Hindi naman pala eh. O xa, xa… ayan nagkwento din ako sa wakas about my buhay. Alam ko naman matagal mo ng request yun. Pero hanggang jan lang ang kaya kong ishare sa blogosperyo. Dahil private person ako. Haha.

O sige na. Bye bye na. Busy ako. Nakikita mo ba yung Contact na nasa taas ng Navigation?. Kung may nais kang sabihin sakin. Kapalan mo na ang mukha mo. Wag ka ng mahiya. I-message mo lang ako. At kung sagrado ang pagiging chismosa mo sa buhay ko lagi ako tambay sa Facebook at  Twitter. Add mo ako kung meron ka. O xa, bye bye na talaga.

Yours truly,

Walongbote

pnn6faw742

Early bird. catches what?
Early bird catches worm. Paano yan? E di ako kumakain ng bulati. Over my dead body. Charuz. Hindi uso sa bokabularyo ng aking beloved mother ang  katagang “better late than never”. Kung aantok antok ka pa at gustong mag-unat ng katawan sa kama, wag mo ng balakin pa kung ayaw mong mabuhusan ng nagyeyelong tubig at masabunan ng bumabahang sermon.

Rule #1: Kapag ginising ka niya ng umaga, siguraduhin mo lang na nasa kusina ka na in 5 minutes kung ayaw mo makatikim.

Rule #2: Laki lakihan mo ang subo at bilisan ang pagkain. Care niya kung mabulunan ka. Kaya nga advice niya parati sakin “Sabayan mo ng tubig. Para diretcho na sa bituka mo”.

Rule #3: I-tae mo na lahat ng kinain mo para di ka natatae sa daan. Everyday routine mo na yan.

Rule#4: Bilisan mo ang pagligo jan at huwag ka ng matakot sa tubig. Instead, TAKUTIN MO ANG TUBIG. Huwag ka ng kumanta-kanta pa, dahil di ka naman sisikat ng nakaharap lang sa salamin.

Rule #5: Bili-bilisan mo ang pagsusuot ng damit. At lumayas ka na para di ka ma-traffic.

Kumplikado kung tutuusin. Pero isang paraan ng pagpapalaki na itinuro sakin simula pa lang ng nag-aral ako. Naalala ko pa nung grade 1 ako. Kahit na gaano pa kalakas ang ulan, ako pa rin ang unang estudyante ng teacher ko. Sa sobrang insecure niya sakin dahil paminsan mas una pa akong pumapasok sa kanya, pinagalitan niya ako. Ikinagalit ito ng aking ina, at kinausap ang aking malditang guro—simula noon “care niya” kung nauna pa ako sa security guard ng campus namin.

Uso sa mga Pilipino ang salitang “Filipino Time”. Kapag kinakailangan ka na dumating ng 8 ng umaga ay umaalis ka ng bahay ng 8 din ng umaga. Naiintindihan mo ba ang salitang 8:00? O sadyang tanga ka lang talaga. Dahil sa pagkakaintindi ko lang naman ah, correct me if I’m wrong–  kahit baliktarin mo ang 8 ay 8 pa din.

I have complete attendance. Uma-absent lang ako kung inaapoy ako ng lagnat o kaya may emergency na kailangang puntahan. Dysmenorrhea, sipon, ubo, o masakit ang kasukasuhan is not an excused. Wala akong late sa card ko in my entire life. Hindi dahil sa super responsible akong tao, dahil ito sa aking maagap na ina. Kung may awards nga lang sa early bird. Hinakot na naming mag-ina.

Ito ang dahilan kung bakit maaga ako parati sa kahit anu pa mang events. Kumakabog parati ang aking dibdib, ma-late lang ako ng kahit 5 minutes. Pero ang nakakadismaya ay ang makitang sa pagsusumikap mong dumating ng maaga sa pupuntahan mo, ay ang makita mong wala pa rin ang mga taong inaasahan mong nasa lugar na pagkikitaan ninyo. Parating ganyan ang nangyayari sakin. Bibihira ang tumutupad sa tamang oras. Dahilan kung bakit lagi kong sinasabi mula noon kay mother na—“ok lang na ma late ako. Late din naman sila. Maghihintay lang ako ng matagal.” But my mom sticks with what she believes. “Di mo dapat sila ginagaya. Mabuti na yung ikaw ang naghihintay. Kesa yung ikaw yung hinihintay.”

Sa darating na pasukan sa lunes. Magsisimula na namang magkaroon ng matitinding traffic sa ka-maynilaan at sa mga probinsya. Sa mga papasok sa trabaho, umalis na ng maaga para di na makisabay pa sa mga estudyante. Sa mga estudyante naman—make the first impression. Pumasok ng maaga. Huwag magpa-late at magnakaw ng eksena. Di ka kagandahan para lingunin. Magkaka-stiff neck lang ang mga kaklase mo sa pagka-dismaya. Sa lunes, hindi na ako papasok bilang isang estudyante. Papasok na ako bilang isang professional nurse.  Sana di ako ma-late.

PBA095qor3o5

Recto I shall return!
5 taon na akong nagkakalat ng kagandahan sa tinaguriang “The place of instant diploma”. 5 taon ko naring sinisinghot ang sariwang hangin na nagmumula sa tambutcho na nagdudulot ng makakapal na usok byaheng divisoria. 1st year college ako ng tumutuntong ako sa lupain ni Claro M. Recto, kilala ninyo ba siya? Ako kasi hinde eh. Una akong nagaral sa green and gold na jogging pants at jologz na golden orange na PE Shirt. Nagimprove nga ngayon ang kulay ng PE uniform nila eh, kulay lumot naman ngayon. Tama sa FEU nga ako napadpad, di kasi ako tinaggap ni Mang tomas at ni machong malaki ang balls “Oblation”. Anu pangalan nung rebultong yun?.

Sa 2 taon kong pamamalagi sa FEU, sa recto ako nahulugan ng ID. Dahilan kung bakit ayaw akong papasukin ni manong sikyo sa gate, kasi di daw ako estudyante dun at baka daw isa akong suicide bomber. Sa recto ako unanag natutong uminom ng beer. Wala kasing lactum milk sa menu nila, kaya tumawag pa ako kay inay para sabihin lang na “inay! beer lang meron sila dito sa platinum eh, walang mother’s milk. sana maging panatag ka!”.Dun ko natikman ang mapaklang lasa ng alak, at namangha dahil di man lang sumuka ang aking sikmura. Dahil sa pangyayaring ito. Dun ko napagtantong “May dugo pa la akong TOMADOR”. Pero I’m proud to say na  hindi ako ni minsan nanigarilyo, ni isubo man lang sa pharynx di ko sinubukan. Makikita mo rin akong once in a blue moon noon sa (jaca, Magic at glorietta) na madalas ma-raid ng XXX. Buti na lang nakatalon na kami sa bintana bago pa kami makalaboso. Joke lang. Ganunpaman, kahit na natuto na akong uminom ng sorbesa bukod sa softdrinks ay hindi ko napabayaan ang responsibilidad ko bilang isang estudyante. Isa pa rin ako sa mga estudyanteng may mataas na marka at nabibilang sa upper class na section. Hindi rin ako nag-cucutting classes o kaya umuuwi ng alas-dose ng gabi. takot ko lang masaraduhan ako ng LRT train.

Sa recto din ako unang nadulas sa pampublikong daanan at namaga ang puwet ng bonggang bongga. Sa recto din ako unang hinatid ng mga manliligaw na halos gusto ko ng mag-anyong bampira upang lapain ang kanilang puso, atay at pantog–tigilan lang nila ako. Recto din ang daan kung saan nakikipag walkaton ako sa crush ko, masabayan ko lang ang lakad niya. Dito din sa daang ito una ako umiyak kasi napuwing ako. Sa recto din unang napansin ang kagandahan ko ng sitsitan ako ng isang manager.--Manager ng mga taga gawa ng instant diploma at licensya. Muntik ko na ngang patusin eh.

Pagkalipas ng dalawang taon, ako ay lumipat ng ibang university. Sa University of Perpetual Manila. Sa recto pa din ako dumadaan. Dito ako nagkakalat ng virus pagtapos kong mag-duty sa mga hospital. Isang white lady na nakasuot ng nurse uniform at nang-hoholdap ng mga gwapong bakla sa may tapat ng isetan (callboy). Kilala din ang recto sa mga 2nd hand book yung tipong inaanay na pero dahil sa wala talagang pera, GO na!. Noong grumaduate ako, ilang buwan ko din hindi nasilayan ang recto. Namiss ko ang makakapal na usok, ang mga taong may anghit na nakakasalamuha ko na halos naging immune na din ang aking mga buhok sa ilong. Pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nasilayan ko na namang muli ang Recto. Wala rin namang nagbago. Nagreview ako sa Pentagon na nakalocate sa San Sebastian College ang review session.

Ngayon ay magkikita na naman kami ng Recto at makakasama ng dalawang buwan. (alamin kung bakit). Makikita na naman niyang tumatagaktak ang pawis ko. Makikita niya na naman akong nag-da day dreaming habang naglalakad.

Marami na ang panahon na nagdaan. Marami na rin tayong pinagsamahan. Ikaw na siguro ang kalyeng tumanggap sa pagkatao ko. Ikaw ang naging saksi sa bawat masasaya at masalimuot na eksena ng buhay ko. Kaya sa ating 5 taon na anibersaryo. RECTO I SHALL RETURN!

Heart for SALE!
Manang! Pagbilan nga po ako?

Oh eh anu yun?

Pagbilan mo po ako ng puso?

ha?! ano kamo? puso ng ano?

Puso po ng tao.

Ay! lintek kang bata ka! Ano bang pinagsasabi mo.

Kung nabibili lang siguro ang puso, siguro binili mo na ang puso niya. Hindi mo na hihintayin pa na mag-sale para mas makamura. Hindi mo kasing hahayaang mapunta pa sa kamay ng iba ang pusong matagal mo ng pinapangarap na maangkin. Kaya lang sa tunay na buhay, puso ang isa sa mga bagay na hindi natin nabibili ng ganung kadali. Kahit nga maghanap ka pa ng heart donor, napakahirap ng makahanap.

Kung nabibili lang siguro ng ganung kadali ang puso ng isang tao, yung tipong nasa suking tindahan lang. Ikaw na siguro ang pinaka unang customer ni manang. Ikaw na rin siguro ang pinaka masayang taong nabubuhay sa mundo. Kaya lang ang katotohanan ay di lahat ng bagay sa mundo ay nabibili. Ang puso ng tao ay hindi “FOR SALE”. Kailangan mo itong paghirapan, pagsumikapan at higit sa lahat kailangan mong maramdamang masaktan.

Malas mo lang kung matagal na palang may nag mamay-ari nito bago mo pa ito natipuhan. Malas mo kung matagal niya na itong naibenta at nalimutan niya lamang lagyan ng tag na -SOLD OUT. Kahit pa anong pilit mong bilhin ito, ngunit ang katotohanang meron na nagmamay-ari ang siyang dapat mong tanggapin.

Minsan kailangan mong palayain ang isang bagay na mahalaga sayo. Naging sayo man ito o hindi. Minsan kasi tinitignan mo lang yung gusto mong makita, pinakikinggan mo lang ang gusto mong marinig. Subukan mo ding intindihin yung hindi mo maintindihan. Baka sakali lang. Malaman mo yung dapat mong maramdaman. Wala kang makukuhang bago, kung di ka bibitaw sa luma.

Siguro hindi ngayon. Siguro hindi bukas. Malay mo sa susunod na araw. May makikita ka ding –HEART FOR SALE.

[offtopic]

Busy na me. I will tell you what made me busy. So, I will be off again in blogging. But you can always catch me on  Twitter, Plurk, facebook, and multiply. Oh damn! I uploaded my pictorial in my TUMBLR again. Take a look.

Just a quick update:

Link-Ex can be found at the upper corner of this blog. All navigations are updated including the contact , disclaimer, and about me. I will still think if I’m going to changed the theme.

Graduation Edition: Soar up high!
Sa mga bagong graduates na magsisimula ng hanapin ang kanilang kapalaran sa buhay at makikipagsabayan na rin sa mga tao sa daan na naghahanap ng trabaho. Ito lang ang masasabi ko. Goodluck sayo dude!.

Pakatatandaan mo na ito na ang simula ng dilubyo mo sa buhay o di kaya naman ang hinahangad mong kaginhawaan. Nahanjan ang iyong ina na parati na lamang nagpaparinig “Anak. salamat naman at gragraduate ka na. Matulungan mo na din kami ng itay mo sa pagaaral ng iyong mga kapatid at ni junior.” aisuz!. At nahanjan din ang mga ususera mong kapitbahay na nagpaparinig “Magpakain ka naman!”. Ang mga ito ay halimbawa lamang na maaari mong maranasan sa iyong nalalapit na pagtatapos.

Ang iyong diploma ay higit pa sa kung anong mahalaga sa iyong buhay. Ito rin ang nagsisimubulo na isa ka na sa makikihati ng bayaran sa ilaw, tubig, upa at pagkain. Kakambal na ito ng iyong kapalaran. Hindi mo na ito matatakasan. Pwede din! ibagsak mo ang iyong subjects para tuloy pa din ang buhos ng baon. Pero ihanda mo lang ang sarili mo sa nagbabagang sinturon ni hudas. Lintik lang ang walang peklat sa puwet!. Hindi ka na pwede mag T-BACK.

Ang paghahanap ng trabaho ay parang paghahanap din ng eskwela. Ang malaking kinaibahan lang nito ay ang marami mong kakumpetensya. Hindi porkit Sumacumlaude ka ay sigurado ng matatanggap ka sa trabaho. Pakaisipin mo na ang labanan dito ay KSA(Knowledge, Skills and Attitude). Hindi pwedeng puro ka lang talino, at hindi rin naman pwedeng puro ka lang skills at lalo na ang puro Pa-cute lang. Ang tatlong ito ay parating magkasama.

Sa mga highschool grad. naman na nagbabalak na kumuha ng kurso sa kolehiyo. Ang pagpili ng tamang kurso ay hindi nasusukat sa kung anong uso?. Ang tamang sukatan ay kung saan mo nakikita ang sarili mo 10 years from now. Nakikita mo bang isa kang magaling na inhinyero? pero mahina ka naman sa math?. Nais mo bang maging nurse? pero di mo naman kayang magbigay injection o kaya ay takot ka sa dugo?. Nakikita mo ba ang sarili mong  Abogado? pero wala ka naman sa katwiran. O nakikita mo ang sarili mong teacher? pero di ka naman marunong magtimpi ng iyong galit.

Sa kung ano pa mang dahilan kung bakit mo kukunin ang kursong iyan. Parati mo lamang pakakatandaan na puso at utak ang dapat mangibabaw. Hindi sa dahil gusto yan ng magulang mo kung hindi dahil ikaw mismo ang may gusto.

Soar up high! Newly Grad: Batch 2009.

Kayo ang pag-asa ng bayan!- Dr. Jose Rizal.

Note: All answers to the previous entry can be found also there. ^.^