"Johnson’s Lotion"
January 13, 2010

Noong isang linggo nabasa ko sa blog ni miss vain, na may nataggap daw siyang free sample lotions galing sa Johnson and Johnson. Dahil mahilig ako sa mga sample na products at dahil kuripot ako, sinubukan kong bisitahin ang website na ibinigay niya. Nagsign-up lang ako ng Pangalan, address, telepono at email address. Pagkatapos ay kinonfirm ko ang email verification letter. Boila! Ipadadala daw sa akin ang mga sample lotions.

Sabi ni miss vain, 6 na sample lotions daw ang ipadadala sa akin. Di ko naman tinanong kung sa bote o sa sachet lang. Pero ang nasa isip ko ay sachet lang ang ipadadala sakin, yung parang sa shampoo at MYRA E na lotion. Kaninang umaga ay dumating ang HARI NG PADALA. Ang LBC ay kumatok sa aming gate at woot! hinahanap ako? alam ko na agad na ito na yung lotion na ipinadala sa akin. Nahihiya pa nga ako na pumirma dun sa receipt kasi piling ko sachet lang naman, ini-LBC pa.

Pero ng makita ko ang lalagyan. Yay! Medyo malaki naman pala. Binuksan ko ang fragile na box. At ito ang nasa loob. Mga bagong panganak na lotion. Parang bagong kaluluwal pa lang ng kanilang ina. Ang lotion na pink ay may tatak na: 24 Hour Lasting Moisture Body Lotion.Ang kulay purple naman ay may tatak na: Melt away Stress Daily Calming Lotion.

Mabango sila promise. Malamig kapag pinahatid sa kamay, at syempre parang feeling ko bumalik ako sa kuna. Ng mga oras na yun, parang gusto kong makinig ng mga BARNEY’S songs at manood ng mga MICKEY MOUSE. Kasi felling ko baby ulit ako. Nalimutan kong ka-bibirthday ko lang pala.

This is not a paid advertisement. Gusto ko lang malaman ninyo na, may lotion ako. Haha. Ang totoo niyan gusto kong malaman ng Johnson and Johnson na kahit di nila ako padalhan nito, ay mananatili akong suki ng Powder nila. Salamat Johnsons. Btw I visited kanina lang, you can still have your very own SET OF FREE LOTIONS visit http://www.femalenetwork.com/bodycare/

Filed Under: blog | Tags: | 18 Comments  



Thank You lambing

may nabalitaan din akong ganyan eh.. totoo nga heheeh ma try nga ;) para may ma receive naman akong padala hahaha

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 3:48 pm

Thank You Kimeh

Ay, mukhang maganda to. Masignup nga nanay ko. Hahaha. Reyna din ng kakuriputan yun eh. :) )

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 5:23 pm

Thank You geneve

i tried signing up sis!sana mapadalhan din ako ng sample!weehh..

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 5:34 pm

Thank You sernan

ayus to ah, pwede din ba sa mga lalake yan? hehehehe.. Thanks for dropping by my site… :)

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 7:45 pm

Thank You vioLingirL

nice… i’ll try signing up din nga..ehe
…i love J&J.. =)

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 10:20 pm

Thank You JHOANA

wow! for free? cge sign up ako! thanks for shring!! hehe

[Reply]

Commented On January 13th, 2010 @ 11:26 pm

Thank You Marlene

Jen, ang ku-kyut naman ng mga bote ng lotion. Nung “bubot” pa ako ay Johnsons lang talaga ang gamit ko. Mula sa pulbos hanggang sa pulbos sa mukha. At favorite ko ang lotion na puti ang lalagyan, original yata yun. May Johnson’s Face powder nga ako baon dito. :-)

Napapadala kaya sila sa labas ng Pinas? Hahaha!

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 5:51 am

Thank You topexpress

bagong padpad po ako, pero natuwa ako sa blog mo… aheheheh

hang kukuyut ng lotions! ahehehehe

dito sa bansang kinalalagyan ko kailangan ko ng madaming lotion, sa sobrang lamiggg!!!

brrrrrr!!! makakarating kaya dito yan kung mag sign ang ilang kasamahan ko? ahehehehe

have a wonderful 2010

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 11:16 am

Thank You admin

Yay! Topexpress c walongbote ito ng painuminmoko.idlip.net, nagpalit lang ako url. Kc nagkavirus ang una kong host, crashtequila na ngayon. Hehe.. Kaya di ka bagong padpad d2. :)

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 11:26 am

Thank You joan

..waaaaahh. hmmmm ayus to ah. ma try din nga? hehehe. hi ate walongbote! :D D:

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 11:26 am

Thank You Tine

ayos! hahaha try ko nga rin… sana kahit sa south luzon ako, okay. naamoy ko na rin yan… super banggo nga. =p

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 2:16 pm

Thank You tsenn`

libre pala ah..sasali ako. mwahaha. >:)

[Reply]

Commented On January 14th, 2010 @ 3:08 pm

Thank You Ieyel

Woots! This is great ate! Bawal pa person at my age eh siguro I’ll try to ask my sister about this , haha.

[Reply]

Commented On January 15th, 2010 @ 6:23 pm

Thank You beng

wee! galing naman! kakatapos ko lang mag sign up. hehe..natawa ko sa post mo na toh.. promise. para akong tanga. tumatawa sa harap ng pc. LOL. thanks sa info ha! :)

[Reply]

Commented On January 15th, 2010 @ 10:12 pm

Thank You teentoinks

Wow… gusto ko rin yung feeling na babalik ako sa kuna at magfeeling baby… nyak kakabday ko nga lang rin pala. hehe

Abah.. libre! Go teentoinks, sign-up… pak… boom! ;)

[Reply]

Commented On January 16th, 2010 @ 11:58 pm

Thank You taga-bundok

WALONGBOTE!!!!!

wala lang, sa wakas… nakapasok na ako sa blog mo. hehe… lagi kasing hinaharang ng Google Chrome eh. :D

pansin ko bago na ang domain? sakto, tequila… haha!

[Reply]

Commented On January 17th, 2010 @ 2:32 am

Thank You pinkdiaries

wow, gustung gustu nko yan, kasi johsons yata yan! ahahaha

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 10:47 am

Thank You mary

nyahaha sis! Buti ntanggap mo na. thanks din sa link :D D

[Reply]

Commented On January 23rd, 2010 @ 12:52 am