"Spell it right!"
January 18, 2010

Hindi ko alam pero simula ng nag-aral ako mula elementarya hanggang ng matapos ako sa kolehiyo ay hindi na tumama-tama ang spelling ng pangalan ko. Alam kong mali ang spelling ng pangalan ko. Pero konting respeto naman!. Huwag ng pagpilitan ang spelling na alam mo sa spelling na nakasulat sa birth certificate ko. Kung matatandaan ninyo kinuwento ko sa inyo dito kung bakit nagkaganyan ang spelling ng pangalan ko, sa mga hindi pa nakakabasa-iclick mo lang ITO.

According to this thinkbabynames–The girl’s name Jeniffer \j(e)-niffer, jen(if)-fer\ is a variant of Jennifer (Welsh), and the meaning of Jeniffer is “fair one”. Kahit paano naman pala ay may naniniwalang ganyan talaga spelling ng pangalan ko.

Noong biyernes ay pumunta ako sa caloocan para kunin ang aking IVT(Intravenous) LICENSED CARD. Ito ay lisensya na nagpapatunay na pwede na kitang saksakin ng mga swero o dextrose sa katawan, tusukan ka ng mga injection at mga IV push. Hindi porket licensed nurse ka na, ay pwede ka ng tumusok ng pasyente ng mga karayong. Kailangan ay sumailalalim ka sa isang Didactic Training para maging lisensyado. Excited pa naman ako na makita ang IVT CARD ko na 3 buwan din bago ko nakuha. June ako nagtraining at september ako nag-completion, 3 buwan pa bago ito makuha mula sa ANSAP( Association of Nursing Service Administrators of the Philippines). Ng tanggapin ko ang certificate at Card ay ito ang tumambad sa harapan ko:

Wrong spelling again?!!!. Kinausap ko si Chief Nurse, at ang sabi niya pwede ko naman daw papalitan. Pero maghihintay na naman ako ng mga 3 buwan ulit?. Huwwwaaaat!!!!. 3 buwan? ok ka lang?. Siyempre hindi naku maghihintay muli ng ganung katagal. Kaya sabi ko na lamang ay papalitan ko na lang sa 20** kapag ipaparenew ko na lang ulit. Naisip ko na baka kapag sa Lung Center ako nagpunta eh doon mapapalitan agad ang aking IVT CARD. Pero di ko pa nagagawang tumawag kasi tinatamad pa ako.

Mabuti na lamang ay tama ang spelling ng licensya ko dahil mas importante iyon higit sa anu pa man.

Filed Under: Blogging | | 32 Comments  



Thank You Luna

Grabehan lang. Nagmamarunong lang talaga yung iba. :| Nasanay kse sila na ganyan ung spelling ng Jennifer. :| Kainis naman yan! ._.

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 2:23 pm

Thank You eli

bakit ba marunong pa sila sa ‘yo? e pangalan mo yan. hehe

yung iba kase kung ano yong madalas na nakikita akala yon na ang spelling. pangalan yan eh..kanya kanyang diskarte.

meron akong kilala si ramir. laging namamali pangalan nya. ginagawang ramil. hehe

[Reply]

Ax Reply:

laging mali din yung type ng name ko. wala eh, ganun talaga.. swertihan din. nung napulisya ako, mali din yung name nung niregister. nung bumagsak ako sa exam, mali din yung name na nilagay sa classrecord. nung nagvandal yung kaklase ko, ibang studyante yung sinisi kahit pangalan ko nakasulat.

well, kanya kanyang advantages. haha.

[Reply]

admin Reply:

napulisya ka? bakit anu ginawa mo? :)

[Reply]

Ax Reply:

possession of firearms. yung sapatos ko kase pwedeng makapatay dahil matulis.

joke lang.

Commented On January 18th, 2010 @ 3:05 pm

Thank You Ax

ay, tutal may lisensya ka na manaksak ng swero, sana sinaksakan mo ng tubo ng maynilad water yung kanang arms ng nagtype ng bwakangligaw na licensed identification card na yan.

huwahahah.

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 3:56 pm

Thank You J.Kulisap

Dahil hindi ka pwedeng manaksak ng karayom, kutsilyong batangas hindi na kailangan ineng..gripo agad.
Huwag nang mag-amok, ano pa at lasenggera ka. Hahaha.

Kamusta ineng?

[Reply]

admin Reply:

di naman ako lasenggera, umiinom lang. haha. saka licensed naku ngayon manaksak ng karayom haha.. :)

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 4:26 pm

Thank You aninipot

ay! ganyan din problema ko, di lang pangalan pati apelyedo ko madalas mali, buti nalang ang license ID ko sa PRC tumama rin..

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 4:43 pm

Thank You Alyssa :)

Woah. Ako din ganyan! May karamay ka po. Hahaha. ;)
Lagi nilang nimamali yung may double na letters. Haha. :) )
Para pa nga pong mas maganda po kapag sa 20** nyo na palitan kasi sayang din po ang three months. haha. :) )

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 7:12 pm

Thank You Sikat ang Pinoy

Maraming salamat sa pag bisita sa aming website.

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 7:35 pm

Thank You Hanae

Ahahaha. Ang kulit naman talaga ano? Parang hinuhulaan lang nila yung spelling eh. :D

Anyways, congrats dahil pwede ka na po manaksak ng mga karayom! :D Hahaha. Madami pa palang mga ganyan pag nurse ano? Wow. Di lang pala basta-basta pwede manaksak. :)

[Reply]

Commented On January 18th, 2010 @ 8:13 pm

Thank You Chad the Coffeeholic

Homaygahd! In other words, OMG. Ka-hassle naman yung ID na yan. Ako din, yung ñ sa middle name ko, hindi ko matanggap na ginagawa nilang n na lang dahil hindi alam ng typist yung alt+164 (ñ). Hay… Add kita sa blogroll ko JENIFFER ha…

[Reply]

Commented On January 19th, 2010 @ 1:52 am

Thank You reigun

apir fellor nars! hassle nga yang wrong spelling sa mga documents. buti ayus lang mga id ko.(share ko lang, dahil ‘reagan’ ang name ko, di lang minsan nawrong spelling name ko. siguro panget din talaga sulat ko.)

ikaw na ang pangalawang “Jeniffer” na nakilala ko. natawa ako nung una kong nalaman spelling ng ngalan ng kaibigan ko.
ngayon di na ako tatawa, kasi 2 na kayo. hehe

[Reply]

Commented On January 19th, 2010 @ 11:54 am

Thank You kikilabotz

hala!? bkit hnd green ang background pics mo sa ivt? hehehe. wawa ka naman nagpunta ka pa sa ANSAP hehe. kakaiba pala spelling ng name mo eh. uhmm ganun talga kasi kala nila un ang ryt spelling. dapat pagmagpapasa ka ng mga papers put a note sa gilig na nagsasabi na iba po ang tamang spelling ng name mo.hehe

[Reply]

admin Reply:

duh. puti naman talaga ang background pic. kelan ka nakakita ng green? :) hehe.. si reigun nga eh puti eh. :)

[Reply]

Commented On January 19th, 2010 @ 2:37 pm

Thank You Reesie

hi jen, ang ganda ng bago mong site. kasing ganda mo lang. ;-)

ako nahihirapan din ako sa pangalan ko. rester ang totoo kung pangalan. parang lalake noh? pag nasa phone ako or yung kakameet lang, sasabihin ano ulit pa ngalan mo? lester? o di kaya, restor? or di kaya, chester? or di kaya, ester, which is my sister’s name. kakalito noh? i need to change my name. haha

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 5:53 am

Thank You Marlene

Pwedeng magpatusok? Hehee, di pa ako nainiksyunan ng swineflu vaccine kasi.

Actually noon pa ay tatanungin ko na sana kita kung ganyan ba talaga ang spelling ng name mo kasi parang mali tingnan. You can’t blame me or ang iba kasi we’re used to Jennifer. But I thought she couldn’t be wrong in her own name. Kaya pala ay ito pala talaga ang spelling ng name mo at may kahulugan pa nga.

Kelangan palitan mo talaga yang name mo sa kung anong nakalagay sa BC mo, sa gusto nila’t sa hindi. :-) Ikaw ang masusunod, period…

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 6:03 am

Thank You orville

ako naman experience ko ung eon card ko sa unionbank wrong spelling. first time ko pa namang magka ATM noon at excited ako pero nung nakuha ko na wrong spelling name ko.. nakz.. pabisita.. Gud am.

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 8:00 am

Thank You siyetehan

fair one. nice naman pala ang meaning.

ang masaklap lang, unfair ang buhay dahil pinipilit nilang maliin ang spelling ng pangalan mo. :D

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 4:30 pm

Thank You Tine

nako… we both hate it when our name’s being mispelled. kainis kaya un! :p at least nga sa license mo tama… pag sinipag ka na lang tsaka mo asikasuhin. haha tagal din nun ah… adik naman sila. haha

[Reply]

Commented On January 20th, 2010 @ 8:18 pm

Thank You livingstain

ang ibig mo bang sabihin ay maaring mali ang name mo… lolz

[Reply]

Commented On January 21st, 2010 @ 1:18 pm

Thank You Amor

Sino ba dapat sisihin sa mali-maling pagsulat ng pangalan sa BC? Yung kay hubby mali din ang nakalagay sa middle name nya, silang lahat na magkakapatid iba iba ang spelling ng middle name haha.

Sis galingan mo pagturok ha? hehe Nung na ospital si Sean last October, iniyakan ko pagturok sa kanya ng mga nurse Ilang beses nilang nitry bago tumama, 3 nurse yun, dun sa ika-3 tumama na. Shocks. kaya si Sean sobrang nagka phobia. :(

[Reply]

admin Reply:

thanks po! Ate, mahirap talaga magtusok sa bata kahit pinaka expert pa.. Mahirap kc, maliit ang vein ng mga bata hindi madaling makita. Paminsan naman, di straight yung vein kaya yung IV Dextrose di tumutulo.. Paminsan, kc umiiyak ang bata,galaw ng galaw kaya nagugulo yung nurse. I experience din na 3 times tinusukan ng preceptor qo yung bata.Kakaawa talaga,pero wala kaming mgawa,ganun talaga..

[Reply]

Commented On January 22nd, 2010 @ 2:01 am

Thank You Mr. Nonsense

haaaa! sa kakabasa nito eh nalimutan ko tuloy kung paano i-spell yang pangalan na yan! nakakasira ng bait…

[Reply]

Commented On January 23rd, 2010 @ 1:22 pm

Thank You i kill the suckingbird

kaloka. haha. mas nalito tuloy ako. ung hirap parang ngsspell ka lng ng tommorow or tomorrow.

[Reply]

Commented On January 23rd, 2010 @ 7:48 pm

Thank You plaridel

ba’t di na lang natin gawing numero ang pangalan natin tulad ng s.s. number para wala ng magiging alinlangan kung ano ang tama at mali? :)

[Reply]

Commented On January 24th, 2010 @ 9:39 am

Thank You plaridel

ba’t di na lang natin gawing numero ang pangalan natin tulad ng s.s. number para wala ng magiging alinlangan kung ano ang tama at mali?

[Reply]

Commented On January 24th, 2010 @ 9:41 am

Thank You joan

..ako kadalasan ay ang surname ang mispelled. T_T .. waaaahh..

[Reply]

Commented On January 24th, 2010 @ 5:16 pm

Thank You Nortehanon

Siguro nga nakasanayan lang ng marami yung common na spelling. Very seldom lang kasi akong naka-encounter ng may double “F.” My name is almost always mispelled lalo na tuwing kumukuha ako ng plane tiket. I usually book by phone. Nung minsan, yung agent asked me to spell my name. Pero when the ticket was emailed to me, mali pa rin hehehe.

By the way, thanks for leaving a comment on my post about the most recent distribution of pencils. It’s not the first distribution po. There have been previous distributions already ;)

[Reply]

Commented On January 25th, 2010 @ 8:47 am

Thank You dencios

sarap. lisensyado na siya :D

importante talaga name lalo sa passport at haharangin ka talaga.

bakit mo naman tinakpan pretty face mo ha

[Reply]

admin Reply:

panget kasi.. hehe.. :)

[Reply]

Commented On January 27th, 2010 @ 11:05 pm